Tuesday, June 09, 2009

BALIK-BAYAN BOX


Ilang linggo na lang at uwian na! kaya kailangang maiayus ko na ang mga psalubong ko para sa aking pamilya... ganito pala ang feeling ng OFW hehe..

Nung Pebrero, bago ako umalis ay super excited ako.. syempre ibang lugar naman.. medyo mas kikita ng konti kesa sa Pinas at syempre makakaexperience din ng winter sa wakas.. pero after 4 mos ng stay ko rito.. haaaaayyyy gusto ko nang umuwweeee! pero hinde pa pwede dahil 2 months pa!.. naisip ko lang na paano pa kaya ang mga totoong OFW na taon ang kailangang itagal sa ibang bansa para mgtrabaho para sa kanilang pamilya.. mabigat pala talaga ang kanilang sakripisyo.. maganda lang pakinggan na sa ibang bansa sila ngtatrabaho pero ang totoo.. matinding lungkot at hirap ang kanilang tinitiis para kumita ng pera pampadala sa knilang mga mahal sa buhay... haaayyy! isa lang ang masasabi ko.. saludo ako sa inyo!

one week na akong namimili at nagaayus ng mga ilalagay ko sa aking munting kahon.. ngunit hanggang ngayon ay hinde ko pa rin matapos-tapos.. hirap kasi mag-isip ng mga pasalubong....(at mahirap maghanap ng sale! heheh!) gusto ko kasi ay matuwa naman ang mga mahal ko sa buhay sa aking munting handog sa kanila...

0 Comments:

Post a Comment