Saturday, June 27, 2009

Home Sweet House

Sa lunes ay balik pinas na ang aking mahal na asawa.. mejo matagal rin sya namalagi dito sa lupain ng mga sakang.. dalawang taon ang term nya ngayon bukod pa sa mga nauna nyang alis kung saan-saang lupalop ng mundo na me tinatayong mga planta.Masyado kasing in-demand e, wehehe! (proud ako syempre! bebeko yata yn!) Pero ngayon ay napagdesisyunan naming dalawa na mamalagi muna sa Pinas pansamantala para masimulan na namin ang aming mga plano.. tama na muna cguro ang pag-iipon (parang me naipon e wehehe!).. quality time naman ika nga nila. Mauuna syang umuwi sakin sa Pinas ng isang buwan, anim na buwan lng naman ang term ko dito kaya ayus lang rin ang timing.

Una sa aming listahan ay ang mga chikitings syempre.. mejo tumatanda na rin kame at kinukulit na rin kame ng mga soon-to-be lolas na gusto na nila ng "mga apo" hehe! (take note, "mga"!) kya panahon na siguro para seryosohin sila,hehehe! Wala pa ring apo sa both sides namin kaya nai-imagine ko na kung gaano magigingspoiled ang mga magiging anak namin..


Sunod sa aming listahan ay ang aming pugad.. ito ang isa sa mga mabigat na dahilan kung bakit namin kailangang magtiis na mgkalayo ni bebeko! Bago kme umalis noong 2007 ay nakakuha na rin kame ng maayus na lupa sa Cavite...malapit sa bahay ng mommy ko.. maganda rin ang location kasi malapit sa SM Bacoor at malapit sa sakayan pa-Manila, malapit rin sa ospital at eskwelahan kaya di na rin kami ngdalawang isip at kinuha na agad namin, isa ito sa maipagmamalaki namin ng asawa ko na pinaghirapan at pinag-ipunan namin. Habang nandito kame ay pinag-iisipan na namin ang mga details ng aming magiging tahanan. Permanent na syempre yun and once lang mgpapatayo ng bahay kya kailangan ay sigurado kami sa gusto namin. Madugong gawaan ito...!>!!

Kotse..luxury or necessity?? sa tingin namin sa panahon ngayon ay necessity na ito. Delikado ang mundo ng pamamasahe sa atin kaya kahit mas praktikal mag-commute e mas safe naman pag me sasakyan. Ito ay optional pa sa aming listahan.. kapag tingin namin e kaya pa ng aming bulsa, hehehe..!

bawaaaw...waaaaww!!.. what's a house without a dog! pareho kaming mahilig ni bebeko sa doggy kya hinde pwedeng wala kaming alagang "mga" aso.. plano sana namin ay apat..at iba-ibang lahi.. askal, dalmatian, labrador at husky.. hehehe mejo mahal na ata un a!.. hehehhe pag di kinaya ng powers namin ay malamang mga native dogs na lang... wow what a term "native"! Hindi kasi kumpleto ang happy family pag walang pet..

Isang buwan na lang at ako naman ang mgsasabi ng home sweet home! haaayyy di na ko mkapag-antay... 33 days na lang!

3 Comments:

  1. RJ said...
    woohoo! pabakasyon na pala kayong mag-asawa ha. buti pa kayo. hehehe. pareho lang naman tayo ng mga priorities kapag nakauwi. hope magkaabot abot tayo para makapagbonding naman tayo ulit. hehehe.

    regards na lang kay kuya nonoy. =D
    Ms. Lakwatsera said...
    hehehe .. uu nga e tyak pgbakasyon mu ulit mgkikita kits n tyo.. :)
    saya un.. kwentuhang umaatikabo! heheh regards din po ke bachoinkchoink n soon to be bebi hehe!
    sha-sha said...
    Hi Weng,

    Home Sweet Home mo ngang masasabi un. Mabuti ayos na bago ka umuwi. Maganda nang pagkaka-ayos. Congrats sa bagong bahay niyo. Dahil dyan. Isang cheers para sa iyo. : )

Post a Comment